Ni Yas D. Ocampo

DAVAO CITY - Nagpasyang sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang matagal na pagtatago sa bundok sa Bukidnon.

Si Anaclito Sanuga Sagula, Jr., 32, alyas “Jepy”, ng Barangay Hagpa, Impasugong, Bukidnon, ay boluntaryong sumuko sa 8th Infantry Brigade (8IB) ng Philippine Army (PA) sa Sabangan Patrol Base sa Bgy. San Luis, Malitbog, nitong Lunes ng madaling-araw.

Isinuko rin ni Sagula ang kanyang AK47 rifle at tatlong magazine na may 88 bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inamin umano ni Sagula sa militar na kasama siya sa nakipagbakbakan sa mga sundalo sa Sitio Victory sa lalawigan nitong Mayo 4.

Makatatanggap si Sagula ng P15,000 cash assistance, bukod pa ang P50,000 na livelihood assistance, alinsunod na rin sa Comprehensive Integration Program (CLIP) ng gobyerno.