BERLIN (Reuters)-Dalawa ang naiulat na nasawi nang magsalpukan ang dalawang tren sa katimugan ng Germany, nitong Lunes.

Tinukoy ng rail operator na Deutsche Bahn, ang insidente ay naganap dakong 9:20 ng hapon (1920 GMT) malapit sa istasyon ng Aichach sa pagitan ng Ingolstadt at Augsburg Line sa Barvaria.

Binanggit ng Deutsche Bahn, tinatahak ng dalawang tren na kinabibilangan ng isang cargo at isang passenger, ang magka-ibang direksyon nang maganap ang trahedya.

Dalawang katao ang nasawi at kinukumpirma pa ng pulisya ang bilang ng nasugatan sa insidente.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo