Ni Beth Camia

Obligadong manatili muna sa pwesto sa Department of Justice ang anim na Assistant Secretaries at limang Undersecretaries kahit lahat sila ay naghain na ng kani-kanilang courtesy resignation.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ito ay dahil hindi pa inaaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang pagbibitiw at habang wala pa silang kapalit sa pwesto.

Magugunitang batay sa memorandum ni Guevarra ay pinagsumite sila ng courtesy resignation para magkaroon siya ng kalayaan na makapili ng mga bagong Asec at Usec na kanyang makakatuwang sa trabaho.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kabilang sa mga nagresign sina Asecs Adonis Sulit, George Ortha II, Moslemen Macarambon Sr., Cheryl Daytec-Yangot, Sergio Yap at Margaret Padilla. Ang mga Usec. naman ay sina Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco, at Antonio Kho Jr.