Ni Orly L. Barcala

Kalaboso ang umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Chief Inspector Jowilouwie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ang suspek na si Ernesto Francisco, Jr., 23, ng No. 1162 Que Grande Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bilaro, matagal nang under surveillance ang suspek dahil sa pagbebenta umano nito ng shabu sa kanilang lugar.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ikinasa ng SDEU ang buy-bust operation sa Que Grande, Bgy. Ugong, dakong 3:00 ng madaling araw.

Matapos iabot ni Francisco ang shabu kapalit ng P500, agad siyang inaresto ng awtoridad.

Nasamsam sa suspek ang limang pakete ng umano’y shabu.

Kinasuhan si Francisco ng paglabag sa Section 5 and 11 ng R.A. 11 ng R.A. 9165.