Ni Bella Gamotea

Magbubukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng dalawang consular offices sa Gitnang Luzon.

Bubuksan sa Mayo 8 ang consular office sa Ilocos Norte at sa Mayo 15 sa Isabela. Ang dalawang bagong tanggapan ay matatagpuan sa Robinsons Place sa San Nicolas, Ilocos Norte, at Robinsons Place sa Santiago, Isabela, ayon sa pagkakasunod. Bukas ang mga opisinang ito, Lunes hanggang Sabado

“DFA is committed to make its passport and other consular services more accessible to our people. The opening of these two consular offices is a firm example of that commitment,” ani DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inihayag ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca na dahil mataas ang demand o pangangailangan para sa pasaporte, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 45 na nagpapahintulot sa DFA na magbukas ng karagdagang consular offices.