Ni Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Huli umano sa akto ng pulisya ang isang dating drug surrenderer habang gumagamit umano ng ilegal na droga nang salakayin sa bahay nito sa Barangay Caimito, Palayan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Palayan Station Drug Enforcement Unit (PSDEU) ang raid sa bahay ni Cesar Valdez, 38, may asawa, sa nasabing barangay, dakong 3:20 ng hapon.

Nagulat pa si Valdez nang pasukin ng mga pulis ang bahay nito, kung saan nahuli umano itong bumabatak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isang piraso ng plastic sachet ng shabu at iba pang paraphernalia ang sinasabing nasamsam kay Valdez, na kabilang sa sumuko sa Oplan Tokhang noong Hulyo 7, 2016.