Ni Liezle Basa Iñigo

TUBAO, La Union - Malungkot ang naging outing ng isang pamilya sa isang ilog sa Tubao, La Union nang malunod ang isa sa kanila, nitong Linggo ng hapon.

Hindi na naisugod sa ospital si Joy Ann Romero, 13, nang matagpuang lumulutang ang bangkay nito sa dalampasigan ng Barangay Garcia, Tubao, dakong 2:25 ng hapon.

Nailigtas naman sa pagkalunod ang kapatid niyang si Ada Mae Romero, 13, ng Bgy. Pangao-aoan West sa Aringay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kasama ng dalawang dalagita ang kanilang mga kapamilya nang lumangoy sa ilog, pero nalunod.