Ni Chito A. Chavez

Dahil sa mga pagdududa sa kaligtasan ng electronic nicotine delivery systems (ENDS), isinusulong ng anti-tobacco use group na New Vois Association of the Philippines (NVAP) na pansamantalang ipagbawal ang electronic cigarettes (e-cigs) sa bansa.

Iginiit ni Emer Rojas, president ng Quezon City based NVAP, na mas mabuti na ipagbawal muna ng gobyerno ang paggamit ng e-cigs sa bansa hanggang sa lubusang matiyak ng health experts ang kaligtasan nito.

“There is a need to ban e-cigarettes even at the local level until there are sufficient evidence that will prove that they are safe for consumers,” ani Rojas.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Ang panawagan ni Rojas ay alinsunod sa posisyon ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) kaugnay sa pagbabawal sa e-cigarette products.

“Developing countries must not be pressured into allowing ENDS until regulatory / governance issues are clear to protect the youth against e-cigs use and safety standards are established,” saad ng SEATCA.

Binanggit ng SEATCA na ipinagbawal na ng Brunei, Cambodia, Singapore, at Thailand ang e-cigarettes.