May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Nasa tao pa rin!' Michelle Vito, 'di naniniwala sa seven-year itch

'Nasa tao pa rin!' Michelle Vito, 'di naniniwala sa seven-year itch
Photo Courtesy: Michell Vito (FB)

Hindi naiwasang maurirat ang aktres na si Michelle Vito tungkol sa pananaw niya sa seven-year itch ngayong malapit nang umabot sa pitong taon ang relasyon nila ng jowang si Enzo Pineda.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi umano ni MIchelle na hindi siya naniniwala sa seven-year itch.

"Hindi ako naniniwala,” sabi ni Michelle, na nag-knock on wood muna bago sumagot. “I think nasa tao pa rin ’yan, nasa tao pa rin siya.”

"I think, siguro wala, ‘yon talaga, nasa tao lang kung paano magwu-work ang relationship n’yo. So, hindi mo kailangan, like, 'Uy, magsi-seven years na tayo...' "I think wala naman gano’n,” dugtong pa niya.

Bukod dito, binanggit din ni Michelle ang tungkol sa planong paglagay nila ni Enzo sa tahimik.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Aniya, “Pinag-uusapan namin talaga ‘yong plans, future, ganyan. And ‘yong kailangan muna naming ayusin bago kami pumunta doon sa level na ’yon."

Pero paglilinaw ni Michelle, hindi pa raw sila nagsasama ni Enzo sa iisang bubuong kahit lagpas kalahating dekada na silang magkarelasyon.

Sa kasalukuyan, 28-anyos na si Michelle habang 35-anyos naman si Enzo.

Matatandaang inamin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle noong 2020 sa pamamagitan ng isang social media post. Hindi naman napigilan ng mga netizen na mapa-sana all sa sweet photos na ibinahagi nila noong 2021.

MAKI-BALITA: Sana all! Enzo Pineda, ‘baby damulag’ ng gf na si Michelle Vito