Ni Orly L. Barcala

Limang lalaki ang dinakma habang nagsusugal umano ng tong-its at nagtutupada sa magkakahiwalay na raid ng pulisya sa Valenzuela City.

Base sa report ni Senior Insp. Jose Hizon, head ng Station Investigation Unit, unang naaresto sina Jeff Panes, 40; at Aike Malachico, 31, habang nagtutupada umano sa Pinagbayanan Street sa Barangay Lingunan, bandang 9:00 ng umaga nitong Linggo.

A y o n k a y H i z o n , nagsasagawa n g “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Police Community Precint (PCP)-7 nang may tumawag para isumbong sa kanila ang tupadahan sa lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkani-kanya ng takbo ang mga nagsasabong, at tanging sina Panes at Malachico ang nadakma ng mga pulis.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang sasabunging manok at tari.

Dakong 8:30 ng gabi naman nitong Linggo nang naaresto sina Querilio Ramos, 56; Abdan Aplacador, 48; at Arceco Dael, 61, habang nagtotong-its umano sa Bgy. Punturin.

Kinasuhan na ng paglabag sa anti-illegal gambling law ang mga suspek.