Ni Marivic Awitan
TILA namalahibo si dating league Best Setter Ish Polvorosa sa kanyang counterpart na si Kim Dayandante na siyang naging dahilan sa pagbagsak ng defending champion Ateneo de Manila University sa kamay ng National University , 25-20, 25-19, 25-23,sa Game 1 ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament best-of-3 finals series kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang panalo ang una ng Bulldogs kontra Blue Eagles sa finals mula noong Season 76.
Nakapagtala lamang ng 11 excellent sets si Polvorosa kontra sa 24 ni Dayandante na naging dahilan upang malimitahan din hanggang 16 hits lamang si reigning MVP Marck Espejo.
Bukod dito, naging maigting din ang net defense ng Bulldogs na nagposte ng 13 blocks kills kumpara sa pito lamang ng Blue Eagles sa pangunguna nina Madz Gampong at James Natividad na may tig-tatlong blocks.