Ni Bella Gamotea

Nakalutang sa tubig at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa ginagawang drainage ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Kinilala sa nakuhang identification (ID) card ang biktima na si Rodie Moreno y Magbanau, 29, ng Lot 23 Blk. 16 Golden Acres, Barangay Talon Uno, Las Piñas City.

Sa ulat ni PO2 Erwin Balmeo ng Parañaque City Police, nadiskubre ang nakalutang na biktima sa ginagawang drainage ng DPWH sa Posadas Street, Quirino Avenue, Manggahan, Bgy. San Dionisio sa Parañaque City, bandang 9:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa imbestigasyon, nagtamo ng malaking sugat sa kaliwang pisngi ang biktima.

Posible umanong lasing ang biktima at hindi nito napansin ang malaking hukay at aksidenteng nahulog hanggang sa malunod.

Sinasabing walang harang ang naturang hukay, maliban sa tali kaya mapanganib sa mga dumaraan sa lugar.