Ni Bella Gamotea

Nagkanya-kanyang diskarte na naman kahapon ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina upang hindi maapektuhan sa panibagong oil price hike na ipinatupad sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ito ng 65 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, habang 40 sentimos naman ang nadagdag sa gasolina.

Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas Shell at PTT Philippines, na parehong nagpatupad din ng katulad na dagdag-presyo sa petrolyo ngayong araw.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Abril 17 huling nagtaas ng 80 sentimos sa kada litro ng kerosene, 55 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.