Ni Bella Gamotea

Inaabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko kaugnay ng simulation exercise na isasagawa ng ahensiya ngayong Martes, Abril 24.

Ayon sa abiso ng MMDA, ito ay bahagi ng paghahanda sa 51st Asian Development Bank’s Annual Meeting sa susunod na buwan.

Magsisimula ang simulation exercise sa ganap na 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong City.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kabilang sa lalahok sa simulation exercise ang security, traffic at Emergency Preparedness and Response (EPR) task groups ng MMDA.