Ni Fer Taboy

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Service Road ng Pasaje del Carmen at Roxas Boulevard, sa Ermita, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Base sa report, naganap ang pag-aresto sa nasabing lugar, dakong 7:30 ng gabi.

Kinilala ni Director General Aaron Aquino ang suspek na si Jason Chen, 37, nakatira sa T. Alonzo Street, Sta. Cruz, Maynila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasamsam kay Chen ang tatlong kilo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P15 milyon, na nakalagay sa tatlong transparent na pakete.

Narekober din ang puting Hyundai Tucson at marked money.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.