Nina FER TABOY at FREDDIE VELEZ

MARIING itinanggi ng beteranong aktor na si Julio Diaz na nagtutulak siya ng ilegal na droga, makaraan siyang maaresto sa buy-bust operation ng pulisya sa Meycauayan City, Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Julio

Inamin ng aktor sa pulisya na gumagamit siya ng shabu, ngunit itinanggi niyang nagbebenta siya ng droga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon sa report ng Meycauayan Municipal Police, bangag umano ang 59-anyos na si Diaz, na Mariano de Leon Regaliza ang tunay na pangalan, nang maaresto ng pulisya bandang 12:40 ng umaga.

“Para akong binubulungan ng demonyo, sa paggamit ng shabu,” sinabi ni Diaz sa mga mamamahayag nang iharap siya ng pulisya sa media kahapon. Kasamang nadakip ang driver ng aktor.

Nabatid na nasa drug watch list ng Meycauayan Police si Diaz, na matagal na umanong minamanmanan dahil ikinokonsidera siyang high-value target.

Ayon sa report ng Meycauayan Police, inaresto si Diaz, kasama si Ronald Alon Gomez, 35, driver, kapwa ng Ambuklao Villacor, Barangay Langka, matapos umanong magbenta ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa poseur buyer, kapalit ng P500.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 12 gramo at nagkakahalaga ng P60,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money.

Una nang itinanggi ni Diaz na sangkot siya sa ilegal na droga.

Taong 2016 nang sumailalim pa ang aktor sa operasyon dahil sa

brain aneurysm.

Ilan sa mga pelikula ni Diaz ang Kinatay, Service, Aliwan Paradise, The Flor Contemplacion Story, at napanood din sa teleseryeng Ang Probinsiyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ilang celebrities na ang naaresto dahil sa ilegal na droga simula nang simulan ng gobyerno ang pinaigting na kampanya laban sa droga, kabilang sina Cogie Domingo, Sabrina M., Krista Miller, Mark Anthony Fernandez.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Meycauayan Municipal Police si Diaz, at nakatakdang sampahan