Ni Beth Camia

Dedma si Pangulong Rodrigo Duterte sa huling survey na nagsasabing bumaba ang kanyang satisfaction rating.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa Pangulo, ginagawa niya ang kanyang makakaya para matupad ang mga ipinangako niya sa publiko, at wala siyang magagawa kung hindi kuntento ang mga Pilipino rito.

Binigyang-diin ni Duterte ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na isa’t kalahating taon niya na puwesto, partikular laban sa iligal na droga at mga tiwaling opisyal.

Sa huli, sinabi ng chief executive na bahala na ang taumbayan na humusga sa kanyang panunungkulan, at mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng bansa.