Ni Leandro Alborote

STA. IGNACIA, Tarlac - Dead-on-the-spot ang isang rider nang sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo, matapos tangkaing iwasan ang dalawang baka na tumatawid sa kalsada sa Barangay Road ng Caanamongan, Sta. Ignacia, Tarlac, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Sta. Ignacia Police headquarters ang nasawi na si Engracio Pablo, 73, ng nasabing barangay.

Sa pahayag ng testigong si Florida Malanditan, 72, ng Sta. Ignacia, Tarlac, binabagtas ni Pablo ang nasabing kalsada, sakay sa motorsiklo, nang biglang tumawid ang dalawang baka na tinangka nitong iwasan at sumemplang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog