Ni Mary Ann Santiago

Nagbigti ang isang mister sa loob ng palikuran ng kanyang bahay sa Maynila, nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Chinese General Hospital si Lacan Enriquez, 39, ng 1287 Int. 3 Solis Street, sa Tondo ng nasabing lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni Det. Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang insidente sa bahay ng biktima, dakong 11:30 ng gabi.

Sa salaysay ni Ludivina Pobre, 37, live-in-partner ng biktima, umuwi siya at nadiskubre ang nakabigting biktima sa loob ng banyo, kaya agad niyang kinalagan at dinala sa ospital, ngunit patay na ito.

Sa pahayag sa pulisya ni Pobre, posibleng ang kanilang tampuhan na nauwi sa hiwalayan ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Aniya, nitong nakalipas na mga araw, palagi siyang tini-text at tinatawagan ng biktima at kinukumbinsi na makipagbalikan ngunit hindi niya pinapansin.

Ikinagalit umano ng biktima ang pandededma ng ginang sa mga tawag at text nito, kaya pinadalhan muli ito ng mensahe na, “P….in. mo, wala na talaga akong kuwenta sa iyo, wag mo akong ibibigay sa kanila. Para wala na pipigil sa lahat ng gusto mo, last na ito, salamat sa pagmamahal mo.”

Kinabahan umano si Pobre, kaya agad niyang binisita si Enriquez at tuluyang bumulaga ang bangkay ng huli.