MUENSTER (Reuters) – Isinagasa ng isang lalaking German minamaneho niyang van sa isang restaurant sa lungsod ng Muenster sa kanluran ng Germany nitong Sabado, na ikinamatay ng dalawa bago niya binaril ang sarili at namatay, sinabi ng mga awtoridad.

Inararo ng sasakyan ang mga taong nakaupo sa mga mesa sa labas ng Grosser Kiepenkerl eatery, na sikat sa mga turista.

Sinabi ni Herbert Reul, interior minister ng North Rhine-Westphalia, na sakop ang Muenster, sa German television na ang suspek ay German citizen at “no indication of an Islamist background”.

“At 15:27 (1327 GMT), a vehicle drove into the outside area of the restaurant ... three people were killed, 20 injured, and six of those seriously injured,” sabi ni Police spokesman Andreas Bode. “The perpetrator killed himself in the vehicle.”

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon kay Reul, tatlo ang patay kasama ang suspek, na kinilalang si Jens R., 48, ninirahan may dalawang kilometro ang layo mula sa crime scene.