Ni Jun Aguirre at Beth Camia

BORACAY ISLAND, Aklan - Magpapapasok pa rin ng mga turista ang Caticlan Jetty Port sa Boracay Island hanggang sa hatinggabi ng Abril 25, isang araw bago isara sa mga turista ang isla.

Ayon kay Niven Maquirang, jetty port administrator, sa Abril 26 pa naman opisyal na magsasara ang Boracay kaya hindi naman ipinagbabawal ang pagpunta sa isla bago ito ipasara.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa mga turistang darating sa Boracay sa Abril 25, papayagan naman ang mga ito na ma-enjoy ang isla sa Abril 26 o hanggang Abril 27 para sulitin ang kanilang bakasyon.

Ayon kay Maquirang, aabot ng higit P300 milyon ang tinatayang malulugi sa Caticlan Jetty Port mula sa hindi makokolektang terminal fees sa mga dumadayo sa Boracay.

Posible rin umanong paalisin muna ang nasa 210 contractual worker ng Caticlan Jetty Port, dahil wala namang turistang dadaan sa nasabing pantalan.

Kaugnay nito, hinikayat ng Department of Tourism (DoT) ang mga bakasyunista na bisitahin ang iba pang tourist spots sa Western Visayas.

Ayon kay DoT-Region 6 Director Atty. Helen Catalbas, inabisuhan na niya ang kanyang mga tourism officer na tiyaking malinis at ligtas ang mga beach resort at iba pang isla sa lugar na dinarayo ng mga turista.

Nanawagan din s i y a na iwasang pagtuunan ang bilang ng dumadagsang turista at sa halip ay tutukan ang pagpapanatili sa kagandahan ng mga tourist destination sa bansa.