Ni Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Ecija- Criminal Investigation Group (NECIG) ang anim na umano’y sabungero nang salakayin ang isang tupadahan sa Palayan City, nitong Miyerkules.

Isinagawa ni Chief Insp. Aldrich Garcia ang operasyon matapos makipag-ugnayan sa Palayan City Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Ernesto Romero, 59, ng Purok 6, Fort Magsaysay, Palayan City; Antonio Petallana Sr., 58, ng Purok 6, Brgy. Mapalad, Sta. Rosa, Nueva Ecija; Rolando Jimenez, 50, Purok 6, Brgy. Militar; Rolly Bonyaga, 31, Brgy. Sinasajan, Penaranda, Nueva Ecija; Romeo Lasam, 56, ng Purok 9, Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City; at Geronimo Caluya, 64, ng Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija.