Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Bugbog-sarado ang kapangalan ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez matapos na makursunadahan ng dalawang lalaki sa Barangay Lomboy, La Paz, Tarlac nitong Miyekules ng gabi.

Ayon kay PO3 Antonio Calo, Jr., ng La Paz Police, isinugod sa ospital ang 38-anyos na biktima upang sumailalim sa operasyon, partikular ang kaliwang paa nito, na napinsala sa pambubugbog ni Rolly Pidenes, at ng isang hindi pa nakilalang lalaki.

Nag-ugat ang insidente nang pagbabatuhin ng mga suspek ang bubungan ng tinutuluyang bahay nina Valdez at Cherry Roquid, 29, sa compound ng Palawan Express.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog