Ni Mary Ann Santiago

Isang linggong libre ang sakay sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ng mga beterano sa bansa bilang paggunita sa Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan sa Lunes, Abril 9.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), libre ang sakay ng mga beterano simula 5:30 ng umaga kahapon, Abril 5, hanggang 10:30 ng gabi sa Abril 11.

Hindi rin magbabayad ng pasahe sa MRT ang isang kasama ng bawat beterano.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang Philippine Veterans Week ay taunang ginugunita tuwing Abril 5-11, habang ang Araw ng Kagitingan naman ay ginugunita tuwing Abril 9, isang regular holiday.