Ni Fer Taboy

Nabawi ng Cotabato City Police ang isang carnapped na sasakyan na inagaw kamakailan sa isang kumpanya sa Pasig City.

Sa report ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), namataan nila ang kotse na nakaparada sa tapat ng isang unibersidad sa Notre Dame Avenue nitong Lunes ng hapon.

Naghinala umano ang mga pulis dahil walang plaka ang sasakyan at basag ang salamin sa likurang bahagi nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nang ipinaberipika ang plate number ng kotse, lumabas na kabilang ito sa listahan ng mga ninakaw na sasakyan.

Inaalam pa ng grupo ni SPO4 Abdulrachman Dicay, ng HPG-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ang partikular na grupong nasa likod ng insidente.