Ni ANNIE ABAD

KALUSUGAN at nutrisyon ng atletang Pinoy ang prioridad ngayon ng Philippine Sports Commission.

Banario: Pambato ng bansa sa ONE FC

Banario: Pambato ng bansa sa ONE FC

Ipinahayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na kukuha ang ahensiya ng chef at nutritionist para magpatakbo sa bagong canteen na popondohan ng pamahalaan sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, Philsports complex, gayundin sa Baguio City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Ramirez, hindi sapat ang pagkain ng mga atleta sa kasalukuyang sitwasyon kung saan direktang ibinibigay ang ‘meal allowances’ sa mga miyembro ng national team at training pool.

Ipinag-utos ni Ramirez na ayusin ang canteen ng PSC na kasalukuyang pinangangasiwaan ng PSC Cooperative.

“By the end of May, okey na yang canteen. Bago na ang mga gamit at may mahusay na chef at nutritionist na titingin sa klase ng kanilang pagkain,” pahayag ni Ramirez.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga atleta ng P5,000 monthly meal allowances.

Ngunit, karamihan sa mga atleta ay nagtitipid at hindi sapat ang nutrisyon sa mga kinakain.

“Kung mahina ang atleta mo, kahit anong training natin dyan, walang ibubuga,” sambit ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na ang pagkain sa bagong canteen ay libre.

“Hindi na namin kukunin ‘yung P5,000 meal allowance,” sambit ni Ramirez.