Ni Dhel Nazario

Limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Pasay City, nitong Linggo ng Pagkabuhay.

Kinilala ang mga naarestong sina Rico Faderon, alyas “Balot”, 43, na kabilang sa drugs watch list ng Malibay Police Community Precinct (PCP); at Isidro Hain, 23, kapwa driver; Ric Paule, 53; Wazelle Wheller, alyas “Waze”, 42; at Anthony Manuel, 49, pawang electrician, ng Malibay.

Sa pagsisiyasat, nagsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Malibay PCP ng buy-bust operation sa E. Flores Street sa Barangay 177, ng nasabing lungsod, dakong 3:30 ng hapon na ikinaaresto ng mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P3,500, homemade caliber .9mm na may limang bala, at P500 marked money.

Sasampahan si Faderon ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591).

Samantala mahaharap naman sa paglabag sa Sections 13 at 14 ng RA 9165 sina Hain, Paule, Wheller, at Manuel.