Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Nagreklamo kahapon sa pulisya ang isang ginang nang hindi na matiis ang labis na pananakit sa kanya ng mister nito sa La Paz, Tarlac City.

Si Aira (hindi tunay na pangalan), 27, ay nagtungo sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng La Paz Police Station upang ireklamo ang mister nito na si Gullermo Antonio, 28, ng Barangay Lomboy, La Paz.

Bukod sa pambubugbog, inireklamo rin ng ginang ang pagpapabaya sa kanila ng suspek mula nang magsama umano ang mga ito noong Mayo 2009 kung saan nabiyayayaan sila ng tatlong anak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Wala aniyang ibinibigay na financial support ang suspek para sa kanilang mga anak sa kabila ng naunang pangako nito.