Samahan si 2018 New York Festivals Finalist at 2018 Guild of Educators, Mentors and Students Awards Best TV Program Host Atom Araullo sa isang makabuluhang pagtalakay at paglalakbay sa The Atom Araullo Specials, ngayong Linggo (April 1), 4:30 PM sa GMA-7.

Samahan si 2018 New York Festivals Finalist at 2018 Guild of Educators, Mentors and Students Awards Best TV Program Host Atom Araullo sa isang makabuluhang pagtalakay at paglalakbay sa The Atom Araullo Specials, ngayong Linggo (April 1), 4:30 PM sa GMA-7.

SA unang episode ng The Atom Araullo Specials ngayong Linggo, samahan si Atom Araullo sa kailalim-ilaliman para mas maunawaan ang mga isyung kinakaharap ng lipunan.

Sa pusod ng Maynila, mayroon palang nakatira sa ilalim ng makasaysayang Jones Bridge. Dito nakilala ni Atom ang inang si Billa, na ang ilalim ng Jones Bridge ang nagsisilbing kanlungan sa magulong lungsod. Para mas maintindihan ang pinagdadaanan ni Billa at ng kanyang pamilya, sasamahan ni Atom si Billa sa pangangalakal ng basura at makikitira rin sa ilalim ng tulay.

Samantala, sa mga probinsiya, kuweba ang nagiging takbuhan ng ilan sa panahon ng kalamidad at trahedya. Pero sa Samar, malaking panghatak na ngayon sa kanilang turismo ang mga underground cave. Lakas loob na bababa si Atom sa Lobo Cave para makita ang itinatago raw nitong yaman.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mag-iisang taon simula nang sumiklab ang digmaan sa Marawi, pupuntahan ni Atom ang mga fox hole at tunnel na natuklasan ng mga sundalo na pinagtaguan ng mga rebeldeng Maute kasama ang kanilang mga bihag. Tandang-tanda pa ng bihag na si Norhida kung paano sila nakipagsapalaran sa loob ng ilang buwan sa ilalim ng mga fox hole na ito.

Pero sa gitna ng mga guho ng giyera, may natagpuang abandonadong camera ang grupo ni Atom. Ano ang laman ng kamera na gagamitin daw ng mga militar bilang ebidensiya?