Ni Danny J. Estacio

SARIAYA, Quezon – Martes Santo nang masawi ang isang pasahero, habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo sa Sariaya, Quezon kahapon ng madaling araw.

Sangkot sa karambola ang isang pampasaherong bus, isang kotse, isang jitney, at isang motorsiklo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasawi si Crislee Bayon Gonzalez, pasahero ng jitney, habang sugatan naman sina Jomar Padayao Boquiron, Alwino Prudencio Lapiña, at Santos Boquiron Ramos, ayon sa police reports.

Bandang 3:30 ng umaga at binabagtas ng Toyota Vios na minamaneho ni Herbert B. Babia ang pahilaga nang mahagip ng Raymund Bus na minamaneho ni Marvin Ocampo sa kaparehong lane.

Nabatid na nawalan ng kontrol si Ocampo sa bus hanggang sumalpok ito sa Isuzu jitney na minamaneho ni Boquiron sa kabilang lane, kasunod ang motorsiklo.

Dead on arrival si Gonzales sa Greg Hospital sa Sariaya, habang isinugod naman ng mga awtoridad sa Candelaria United Hospital ang mga nasugatan.