MAS maraming Pilipino ang makakapanood ng mga patok na Pinoy movies sa pinakamalaking handog ng ABS-CBN TVplus Kapamilya Box Office (KBO) na available na sa lahat ng mobile networks.

Unexpectedly Yours cast

Bawat linggo, limang pelikula sa halagang P30 ang mapapanood ng mga naka-subscribe sa Globe, Smart, Sun, TM, Talk n’ Text at ABS-CBNmobile.

Ang bagong offer na ito ay available na sa extended weekend ng KBO para sa Semana Santa. Magsisimula ito sa Huwebes, Marso 29, at pangungunahan ng Unexpectedly Yours.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tungkol ito sa mag-inang sina Patty (Sharon Cuneta) at Yanni (Julia Barretto) at kung paano papasok ang pag-ibig sa kanilang buhay sa katauhan ng magtiyuhing Cocoy (Robin Padilla) at Jason (Joshua Garcia).

Ang Unexpectedly Yours ay kumita ng P218 milyon sa buong mundo.

Palabas din sa KBO ngayong Holy Week ang iba pang mga pelikulang may kurot sa puso.

Panoorin kung paano magsisimulang muli ang pamilya Bonifacio nang malamang may sakit ang kanilang padre de pamilya sa Seven Sundays. Bida rito si Ronaldo Valdez bilang si Manuel Bonificio, na nais mapagsama-sama ang kanyang mga anak, na ginampanan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Sundan naman si Piolo Pascual bilang lalaking kailangang harapin ang pagiging ama sa nawalay na anak sa Northern Lights: A Journey to Love. Kasama sa cast ang child actor na si Raikko Mateo at si Yen Santos, isa sa leading ladies ng bagong henerasyon.

Gumanap na Chinggay si Jodi Sta. Maria, tatlumpung taong gulang na bababaeng single sa The Achy Breaky Hearts.

Matapos ligawan ng dalawang lalaki na ginampanan nina Ian Veneracion at Richard Yap, matututuhan niya na ang pagmamahal ay kailangang magsimula sa sarili.

Abangan din ang In My Life na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at Vilma Santos.

Gumanap na gay couple na naninirahan sa Amerika sina Mark (Luis) at Noel (John Lloyd) sa In My Life. Makikitira si Shirley (Vilma), ina ni Mark, sa dalawa habang nasa Amerika at pinag-iisipan kung ano ang gagawin sa kanyang buhay matapos palayasin ng mister. Mahihirapan si Shirley sa bagong sitwasyon ng anak ngunit kalaunan ay matututuhan din niyang tanggapin si Noel bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Para mag-register, mag-load sa kahit anong SIM (Globe, Smart, Sun, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para malamanang inyon box ID; at i-text ang KBO30 sa 2366.