Ni Light A. Nolasco

LUPAO, Nueva Ecija - Nakakulong ngayon ang isang binata na nahaharap sa acts of lasciviousness matapos itong madakma ng pulisya sa Barangay Flores, Lupao, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay SPO3 Winfield Sarmiento, ng Lupao Police, natunton nila ang suspek na si Henry Realin, ng Bgy. Poblacion North, Lupao, matapos ang limang taong pagtatago sa batas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Realin ay may nakabimbing warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610), makaraang hipuan umano ang isang menor de edad sa kanilang lugar noong 2013.

Itinakda ng korte ang piyansang P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Realin.