Ni Kate Louise Javier

Binaril ang isang office staff ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang papasok sa kanyang trabaho sa Malabon City nitong Sabado ng umaga, base sa naantalang ulat.

Isang tama ng bala sa likod ang ikinamatay ni Maribeth Villa, 32, office staff sa isang computer accessories company sa Maynila, at residente ng Barangay Tonsuya sa Malabon. Siya ay patay na nang isugod sa Ospital ng Malabon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad si Villa sa Block 1 Damata sa Barangay Tonsuya, nang barilin ng armado bandang 8:30 ng umaga.

Inilarawan ang suspek na may katamtaman na pangangatawan, may taas na 5’5, nakasuot ng itim na T-shirt, denim pants at itim na sombrero.

Narekober sa pinangyarihan ang isang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, palaisipan pa rin sa mga pulis kung ano ang motibo sa pagpatay, sinabing walang kaaway si Villa.

Hindi rin umano ito kabilang sa barangay drug watchlist, ayon kay Malabon City police investigation head Sr. Insp. Dennis Javier.