Ni Liezle Basa Iñigo

Nagsisisi ngayon ang isang ama nang dakpin siya ng pulisya makaraang halayin umano ang sarili niyang anak na dalagita sa Barangay Bical, Peñablanca, Cagayan.

Sa report ng Peñablanca Municipal Police, ang suspek ay 58-anyos na tubong Albay at residente ng Bgy. Bical, Peñablanca, Cagayan.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Natuklasan ng pulisya na Marso 19 nang sinundo ng suspek ang 15-anyos na anak, Grade 8 student, na nakatira sa Bgy. Ugac Sur, Tuguegarao City.

Sinabihan umano ng suspek ang anak na bibili sila ng pantalon at isinama ang dalagita sa Bgy. Bical, Peñablanca, sa bahay ng isang Jo-Es Bayubay, kung saan nangyari umano ang panggagahasa.

Kasalukuyang nakakulong sa Peñablanca Police ang suspek.