IBA-IBANG roles na ang nagampanan ni Max Collins simula nang pumasok at maging aktibo siya sa showbiz since 2006: drama, comedy, action, at ang latest ngang ginagawa niya sa GMA-7, ang romantic-comedy series na The One That Got Away kasama sina Lovi Poe at Rhian Ramos.  

MAX copy copy

Dito, siya si Darcy, trainer sa gym na isa sa naging ex-girlfriend ni Liam (Dennis Trillo). In love pa rin siya kay Liam pero ganoon din ang dalawa pang ex-girlfriend nito na sina Alex (Lovi) at Zoe (Rhian). Naging friends naman sila, pero mas madrama ang buhay ni Darcy dahil sa kapatid niya na laging nangangailangan ng pera, at pinoproblema niya kung paano matutulungan.

Pero mas humanga kami kay Max nang mapanood namin ang pinag-uusapang Citizen Jake, ang first and last movie ni Atom Araullo, ayon sa manager niyang si Noel Ferrer. Idinirehe ito ni Mike de Leon na personal na pinili ang bumuo ng cast, na pawang mahuhusay sa pelikula. Kahanga-hanga silang lahat lalo na si Atom na bilang si Jacobo Herrera Jr. or Jake, considering na ngayon lang siya umarte.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si Max ang girlfriend of two years ni Jake, kapareho niyang teacher na na-meet niya nang umalis siya sa siya sa trabaho sa diyaryo at nagturo na lamang sa Baguio City at tumira sa vacation house doon ng mga Herrera. Mabait at understanding na girlfriend si Mandy (Max), at palakaibigan sa kanyang students kaya halos hindi siya naka-move on nang ma-rape at patayin si Grace, isa sa mga ito. Dito naipakita ang tunay na ibubuga sa akting ni Max, kaya may nakapag-comment na narinig namin habang nanonood kami ng Citizen Jake sa UP Film Center nitong Biyernes ng gabi na, “Kahit beauty talaga si Max, hindi nasira nito ang kanyang husay sa acting.”  

Isa siya sa mga babaeng artista na kahit umiiyak ay maganda pa rin, isa pang komento na narinig namin.

Maayos na nagampanan ni Max ang character ni Mandy.

By the way, Max Collins is now married to Pancho Magno, isa ring Kapuso star.

Lahat ng nga nakasabay naming nanood ay nagsabi na sana nga ay magkaroon ng commercial screening ang Citizen Jake para mapanood ng publiko kung gaano katapang ang pelikula at kung gaano kahusay ang mga artistang nagsiganap. Tiyak makikilala ninyo kung sino ang characters sa tunay na buhay na ginampanan ng bumuo sa cast. Tatlong beses na itong nagkaroon ng special screening sa UP Film Center, na laging sold-out ang tickets. Ang iba na napanood na, umuulit pa. 

Ang dahilan kung bakit hindi ito maipalabas sa commercial theaters, ayaw ni Direk Mike de Leon na putulan ng kahit isang eksena ang pelikula niya. (Nora Calderon)