Ni Bert De Guzman

Itataas sa P20,000 ang buwanang pensiyon ng mga beterano mula sa kasalukuyang P5,000.

Pinagtibay ng House Committee on Appropriations ang House Bill 270, itinaguyod ni Bataan Rep. Geraldine Roman, para sa dagdag-biyaya ng mga beterano ng World War II at Korean War.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Sa rekord ng Philippine Veterans Office, 5,655 beterano ng WWII pa ang nabubuhay at mayroong 27,067 beneficiary spouses at mga anak. Sa 7,420 beterano ng Korean War, 40 na lamang ang buhay at 205 ang mga biyuda.