May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carlos Yulo, Chloe San Jose live-in na; pagpapakasal, di na kailangan ng basbas ng pamilya?

Carlos Yulo, Chloe San Jose live-in na; pagpapakasal, di na kailangan ng basbas ng pamilya?
Photo Courtesy: Chloe San Jose (IG)

Inamin ng celebrity couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose na matagal na silang nagdesisyon na tumira sa iisang bahay. 

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 23, inusisa kina Carlos at Chloe ang tungkol sa paraan nila ng pamamahala sa pera.

“How do you handle your money? Do you manage the finances?” tanong ni Boy.

Sagot naman ni Chloe, “We have advisers naman po. “

“Are you living together?” sundot pa ng Asia’s King of Talk sa mag-jowa.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

“Yeah,” sagot ni Carlos. “2023 pa.”

Samantala, ayon sa dalawa, hindi umano sila naniniwala sa halaga ng basbas ng kani-kanilang pamilya pagdating sa usapin ng pagpapakasal.

Sabi ni Carlos, “As long as tayong dalawa nagkakaintindihan.”

“I feel like it would get complicated kapag there are too many people getting involved,” saad naman ni Chloe.

“And I feel like if you're in the right circle, they wouldn't make you feel that way. [...] It's a safe space po kasi e. And I feel like that's what we have now,” dugtong pa niya.

Matatandaang minsan na ring napag-usapan sa mga panayam nila ang tungkol sa paglagay sa tahimik at bukas naman umano sila sa posibilidad na ito bagama’t wala pang itinatakdang eksaktong petsa.

Kaugnay na Balita: Moonstar88, sagot free wedding performance ni Carlos Yulo