Ni Lyka Manalo

CALATAGAN, Batangas - Nagulantang ang isang ginang nang matagpuang nakabigti ang 38-anyos na anak niyang lalaki ilang oras matapos umanong makipagtalo sa asawang overseas Filipino worker (OFW) sa Calatagan, Batangas, nitong Huwebes ng hapon.

Nangingitim na ang walang buhay na si Junjun Lapitan nang matagpuan sa bahay nito sa Barangay Talisay, Calatagan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pahayag kay PO2 Dennis Mira, sinabi ni Feliciana Lapitan na hindi niya akalaing magpapakamatay ang anak ilang oras matapos itong makipagtalo sa asawang tinawagan nito sa ibang bansa.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.