GINAPI ng De La Salle at Colegio de San Juan de Letran-Bataan ang kani-kanilang karibal nitong Huwebes para makausad sa Division 2 championship ng SM-MBTC National Finals.

Ginapi ng La Salle Lipa ang St. Benilde International School Calamba, 79-78, para makaulit sa finals matapos makamit ang titulo noong 2016.

Nagwagi naman ang Letran-Bataan sa St. Louis School-Don Bosco Dumaguete, 59-45.

Nakatakda ang kampeonato ngayon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kumana si Aerone Santos ng 24 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Julius Garcia ng 10 puntos at walong rebounds para sa Letran-Bataan.

Nanguna sa La Salle si Ian Abila na may 21 puntos at 15 rebounds.