Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Napatay sa bugbog ng isang 38-anyos na lalaki ang 64-anyos niyang ina matapos silang magtalo sa Barangay San Jose, San Mariano, Isabela, nitong Miyerkules ng hapon. Binawian ng buhay si Gloria Domingo dahil sa tinamong mga bugbog at pasa sa mukha at katawan.

Pinaghahanap naman ng San Mariano Municipal Police ang tumakas na si Rolando Domingo, 38 anyos.

Dakong 1:30 ng hapon nang lasing umanong umuwi ang suspek at nagkasagutan sila ng kanyang ina.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang magalit, kumuha umano ang matanda ng kahoy at hinampas ang anak.

Dahil dito, binugbog ng suspek ang sariling ina hanggang sa mapatay niya ito.