Ni Leandro Alborote

SAN MANUEL, Tarlac - Masaklap ang naging karanasan ng isang biyuda nang halayin umano siya ng driver ng sinakyan niyang tricycle sa Barangay San Jacinto, San Manuel, Tarlac kahapon ng madaling-araw.

Kaagad na nagtungo sa San Manuel Police 54-anyos na biktima upang ireklamo si Carlo Tabian, 43, may asawa, ng Bgy. Villaflores, Cuyapo, Nueva Ecija, na kusang sumuko sa pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pahayag ng biktima, dakong 12:10 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente matapos umanong alukin ng suspek ang biktima na sumakay sa kanyang tricycle.

Batay sa salaysay ng biktima, nagpapahatid siya sa kanilang bahay ngunit dinala umano siya ng suspek sa irrigation canal kung saan nangyari ang sinasabing panghahalay.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa.