Ni ORLY L. BARCALA

Winakasan ng dalagita ang sariling buhay nang magbigti dahil sa kabiguan umano sa pag-ibig sa Valenzuela City kahapon.

Ang biktima, 17, ay nakatira sa Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Robin Santos, ng Station Investigation Unit (SIU), nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito, bandang 6:30 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sabi nung mga relatives may live-in partner na raw itong victim kahit bata pa. Tapos parang hindi yata successful ang kanilang pagsasama,” pahayag ni SPO1 Santos.

Kinumpirma ito ng mga kamag-anak ng dalagita dahil sa post nito sa kanyang Facebook account kaugnay ng problema nito sa kanyang love life.