Ni Orly L. Barcala

Timbuwang ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng mga nakasakay sa motorsiklo sa hiwalay na insidente sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Marlon Valiza, alyas Bay, 30, tricycle driver, ng Phase 9, Package 5, Bagong Silang, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Binawian naman ng buhay sa Jose Rodriguez Hospital si John Paul Dagohoy, 17, ng Phase 2, Block 50, Lot 15, ng nasabing lugar, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa ulat ng Caloocan City-North Extension Office, nag-aabang ng pasahero si Valiza nang lapitan at barilin ng riding-in-tandem sa Phase 9 Block 3, Maharlika Dulo, Bagong Silang, dakong 1:15 ng madaling araw.

Samantala, pinagbabaril din si Dagohoy ng dalawang armadong sakay sa motorsiklo habang nakatambay ang una sa tapat ng bahay ng kanyang tiyahin sa Bagong Silang, pasado 2:00 ng madaling araw.

Patuloy ang pagsisiyasat sa insidente.