Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Dalawang miyembro umano ng “motorbike theft group” ang namatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa follow-up operation sa Barangay Abar 1st ng San Jose City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Marco Dadez, city police chief, ang namatay na si Marlon Castro, 27, ng Bgy. Villa Viniegas, Llanera, Nueva Ecija.

Napatay si Castro sa engkuwentro sa checkpoint nang balewalain niya umano ang pagsita ng awtoridad habang sakay sa umano’y nakaw na motorsiklo sa Felipe Vergara Highway, Bgy. Talipapa, Cabanatuan City, dakong 1:00 ng madaling araw.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Samantala, sa Cabanatuan City, patay din ang umano’y carnapper na nakipagbarilan sa checkpoint na si Jomar Cervante, alyas “Nonoy”, 19, ng Bgy. La Fuente, Sta. Rosa, Nueva Ecija.