Ni ADOR SALUTA

KASAMA na sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano si Edu Manzano. Gaganap siya bilang bise-presidente ng Pilipinas.

eDU

“Masama ako dito at siyempre, ‘yon ang  pinakamagandang role at saka maganda kasi ‘yung pagkakasulat nu’ng script, eh,” bungad ng aktor. “Gusto kong gumawa ng at least one teleserye a year kung kakayanin. Nag-Bridges of Love pa ako sa ABS(-CBN) bago ako nag-GMA. So, hindi rin matagal ‘yung interval. Palipat-lipat lang naman ako kung saan may trabaho,”.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

May offer ang GMA-7 to renew his contract pero nataon namang may offer na ang ABS-CBN sa kanya.

“There was an offer to renew pero dumating din ‘yung offer,  na actually, matagal-tagal na ring ino-offer itong Ang Probinsyano sa akin.”

Tuwing nagkikita raw sila noon ni Coco ay palagi nitong binabanggit na sana ay magkatrabaho sila.

“Sa tinagal-tagal ko dito sa industriya, siguro lahat nakatrabaho ko na, eh. Si Coco ngayon lang, pero tuwing nagkikita kami, laging, ‘Kuya Doods, trabaho na tayo.’ Pinag-uusapan namin kung kelan kami magkakatrabaho.”

Hindi ba niya nami-miss mag-host ng game show sa Dos?

“Alam mo, iba ang game show. Akala ng tao ganu’n-ganu’n lang, pero napakahirap ng game show. Kasi una sa lahat, kailangang mag-build ka ng relationship do’n sa contestant at do’n sa audience mo. Hindi katulad ng drama or fantasy, kasi napakaraming mga characters do’n, eh. Dito, ikaw at yung contestant. Pero ngayon kasi wala nang game show, eh.

“Dati ang game show sa loob ng isang linggo may lima, na magkakaiba, so I think now mas nagiging mapili pagdating sa… kasi puro mga franchise na sa ibang bansa,” paliwanag niya.