Ni Kate Louise B. Javier

Tatlong lalaki, kabilang ang isang half-Jamaican, ang inaresto sa akto umano ng pagsusugal at nahulihan pa ng umano’y ilegal na droga sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jayson Dela Cruz, 32, barker, half-Jamaican; Cesar John Deluta, 27, pintor; at David Banson, 23, tricycle driver, pawang nakatira sa lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Almario Fabito, unang nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-3 mula sa isang residente kaugnay ng ilegal na sugal sa Barangay 176, Bagong Silang, dakong 4:00 ng madaling araw.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi na nagawang pumalag sa mga pulis ang tatlong suspek, na naaktuhan umanong nagsusugal ng cara y cruz, at nang kapkapan ay nakumpiska umano sa mga ito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Sa pulisya, inamin umano ng mga suspek na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot subalit mariing itinanggi na sa kanila ang mga narekober na pakete ng shabu’.