Koronasyon ni Oranza sa Ronda ngayon; Navymen kampeon

ronda copy

CALACA, Batangas – Tinanghal na ‘King of the Mountain’ si Junrey Navara at naisakatuparan ng Navy-Standard Insurance ang kampanyang ‘sweep’ sa individual classification ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.

At wala ring kawala ang overall team championship.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinatunayan ni Navara ang katatagan sa akyating ruta nang angkinin ang ikalawang sunod na stage victory nang pagbidahan ang 92.72km Stage 11, habang semugunda ang kasangga at red jersey leader na si Ronald Oranza para pormal na angkinin ang titulo na may kaakibat na P1 milyon at halagang P300,000 na prangkisa ng Boy Kanin sa 12-stahe cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Nailista ni Navara, 26, ang tyempong 2:28:13 para masundan ang matikas na panalo sa Tagaytay-Calaca Stage 10 nitong Biyernes para makamit ang ikaapat na KOM title at masungkit ang No.3 mula sa No. 5 sa overall individual race.

Nakabunto si Oranza sa tyempong 2:28:13, sapat para mapanatili ang kapit sa liderato na may kabuuang oras na 32:43:13. Mistulang pormalidad na lamang sa kanyang koronasyon ang magiging tema ng Stage 12 criterium ngayon sa Filinvest, Alabang.

Nasa ikalawang puwesto si two-time defending champion Jan Paul Morales na hawak ang kabuuang oras na (32:54:49)

“Medyo nararamdaman ko na ang excitement. Masaya ang pakiramdam ko, kahit second place lang ako ngayon,” sambit ng 25-anyos na si Oranza.

“I guess this is the product of our training here and abroad,” pahayag ni Oranza, semugunda kay Morales sa nakalipas na taon.

Nasa ikatlong puwesto si Navara na may 4:37 minuto ang layo kay Oranza.

“Mountain climbing is my favorite,” sambit ni Navara.

Nasa No.4 si George Oconer ng Go for Gold (33:10:00) habang No.5 si John Mark Camingao (33:10:53). Kasama sa top 10 sina Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology (33:13:06), Go for Gold’s Boots Ryan Cayubit (33:15:35), Navy’s El Joshua Carino (33:17:05), Go for Gold Developmental team’s Jay Lampawog (33:19:48) at Navy’s Rudy Roque (33:21:37).

Naibulsa rin ng Navymen ang titulo sa team classification sa kabuuang oras na 129:20:35 kasunod ang Army-Bicycology Shop (31:03:19O at Go for Gold Developmental team (131:06:26).