Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Isasailalim sa rehabilitasyon ang tatlong dam sa Luzon, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).

Kabilang sa mga ito ang Bustos Dam sa Bulacan, Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, at Magat Dam sa Isabela.

Inabisuhan naman ni Filipina Bermudez, NIA information officer, ang publiko na isasara muna ang nasabing mga dam at hindi mapakikinabangan ng mga magsasaka ang nakaimbak nitong tubig.

Ilang dekada na aniyang hindi isinailalim sa rehabilitasyon ang mga nasabing water reservoir.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!

Dahil dito, sinabi ni Bermudez na maaapektuhan ng rehabilitasyon ang pitong bayan sa mga tinukoy na lalawigan.

Inabisuhan na, aniya, ng NIA ang mga magsasaka noong nakaraang taon na sumunod sa cropping season bago ang tag-init upang hindi maapektuhan ng pagsasara ng tatlong irigasyon.