Ni Mary Ann Santiago

Arestado ang isa umanong miyembro ng Sputnik gang dahil sa pagyayabang ng sumpak sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sasampahan ng kasong illegal possession of improvised shotgun and ammunition (RA 10591) ang suspek na kinilalang si Aries Raymundo, 26, ng 1090 Arellano Street, Tondo sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police district (MPD)-Station 1, inasresto si Raymundo sa tapat ng Building 2, Temporary Housing, Happy Land Compound sa Tondo, dakong 11:45 ng gabi.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Nagpapatrulya sina PO2 Rodrigo Araño, PO1s Angelito Leuterio at Mike Barongan sa Radial Road 10 nang isumbong ng residente ang isang lalaki na may bitbit umanong sumpak sa lugar at tila ipinagyayabang ito.

Agad rumesponde ang mga pulis at inaresto ang suspek.