NI Lyka Manalo

BAUAN, Batangas - Sugatan ang isang pulis nang aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa Bauan, Batangas nitong Huwebes ng tanghali.

Isinugod sa Bauan General Hospital si PO2 Ricky Alcantra, 35, nakatalaga sa Tingloy Police, at taga-Sto. Tomas, dahil sa tinamong tama ng bala sa paa.

Tinukoy sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na dakong 12:00 ng tanghali at pasakay na si Alcantara sa pampasaherong jeepney nang biglang pumutok ang baril nito na nakasukbit sa beywang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog